Pagsusuri sa Dekada 70'

Nicole Fidelino
3 min readMar 6, 2021

--

Ang Dekada 70' ay isang nobelang Pilipino isinulat ni Lualhati Bautista.

Ang pamagat na Dekada 70' ay hango sa tagpuan ng kuwento kung saan ang bansang Pilipinas noong dekada 70' ay nasa ilalim ng Batas Militar. Sinasalamin nito ang tunay na kalagayan ng Pilipinas sa panahon na iyon; ang trahedya ng buhay.

Si Lualhati Torres Bautista ay isang manunulat, nobelista, liberal na aktibista at kritiko sa politika. Kinikilala siya sa kanyang mga sikat na akdang tulad ng Dekada 70', Bata Bata, Pa’no Ka Ginawa at Gapo atbp.

Ayon kay Lualhati Baustista, lahat ng kanyang naging karanasan bago ang pagdeklara ng batas militar, kahit ito ay muling natapos, ay nagsilbing batayan ng kanyang mga kuwento.

Noong una niyang isinulat ang nobelang Dekada 70' ay hindi niya isinasaalang-alang ang tanawin ng politika noong panahong iyon dahil siya ay isang ina, inisip niyang gumamit ng isang ina para sa tauhan ng kanyang akda na tumira sa panahon ng batas militar. May isang panahon na inakala niya na kanyang anak na lalaki ay nawala sapagkat ito ay nagpunta sa Bulacan upang palayain ang kanyang mga ‘homing pigeons’ upang makita kung lilipad sila pabalik sa bahay. Naisip ni Lualhati kung gaano kahirap sa panahon na iyon na magkaroon ng mga anak na lalaki.

Mga Tauhan ng Dekada 70';

Amanda Bartholome — Siya ay isang maalagang ina sa kanyang mga anak.

Julian Bartolome — Asawa ni Amanda.

Isagani, Emmanuel, Jason, Jules at Bingo Bartolome — Mga lalaking anak nina Amanda at Julian.

Mga tagpuan ng Dekada 70';

Sa tahanan ng Pamilyang Bartolome

Sa prisinto

Pagsusuri sa Dekada 70' gamit ang Pananaw;

Teoryang Peminismo ay tumatalakay sa kalakasan at kakayahang pambabae. Layunin nito iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan.

Noong panahon, ang mga babae ay hindi binibigyan ng karapatan. Hindi sila maaring sumali sa mga usapin at gawain ng mga kalalakihan kahit sila ay nasa hapag-kainan. Makikita natin ito habang kumakain ang pamilyang Bartolome. Si Julian lamang pati ang mga lalaking anak ni Amanda ang may boses.

Isa ding pangyayari na maangkop natin ay ang pagpigil ni Julian kay Amanda sa paghanap ng trabaho kahit gusto niya ito.

Sa bandang huli ng pelikula (epilogue), sumali si Amanda mga grupo ng aktibista sa Post Building Office upang ibagsak ang rehimeng Marcos. Makikita natin ang nais ni Amanda na magsilbe sa lipunan kahit isa siyang babae at ang kanyang kakayahan.

Teoryang Marxismo ay tumatalakay sa kakayahan ng isang tao umangat buhat sa pagdurusang dulot ng suliraning panlipunan at pampulitika.

Pagwewelga ng mga tao, isa ito sa mga pangyayari. Makikita natin ang kakayahan ng isang tao na lumaban tutol sa kamalian at para sa katotohanan sa pamamagitan ng kanilang boses para sa tama.

Teoryang Realismo ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan. Karaniwan niyong pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng korapsyon, katiwalian, kahirapan at diskriminasyon.

Isa sa mga naganap sa (simula) pelikula ay ang pag-aaway ng mga bata at isa na dito ay ang anak ng Amanda Bartolome na si Isagani. Sinasalamin ng pangyayaring ito ang tanging gampanin ng isang ina sa kanyang anak; pagprotekta at pangangalaga.

Ang pagsali at pagiging aktibista nina Jules at Willy. Sa pangyayaring ito, makikita natin ang lakas ng kapangyarihan ng Batas Militar ayon sa kwento ng kasamahan nila. Isa mga salaysay ng kanilang kasamahan ay ang pagmamalupit ng pulis, sinakal at sila paulit-ulit na pinagbubugbog kahit ang intensyon ng pulis ay dapat hulihin lamang an kanilang lider.

Teoryang Eksistensyalismo ay tumatalakay sa kalayaan ng isang tao pumili o mag-desisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence).

Ang iplano ni Isagani, kung saan ninanais niyang mag-aplay para sa isang trabaho sa US Navy. Galit niyang ipinaliwanag sa kanyang ama na ang pagtatrabaho para sa gobyerno ng US ay nagbibigay ng karapatan sa isa sa isang mataas na suweldo na may maraming mga benepisyo.

Masidhing inirerekumenda ko ang nobelang ito lalo na sa mga mag-aaral ng YS-11 dahil punong-puno ito ng mga aral at katotohanan. Sa murang edad pa lamang, importante na imulat na kaming mga kabataan sa mga usaping panlipunan at pampulitika para ihanda kami sa darating na panahon; upang mahubog ang aming kasanayan sa pagpapasya at ang aming mga paniniwala nang maaga. Magandang basahin ang nobelang ito o panoorin ang pelikulang ito bilang tagapagbukas ng mata sa mga tunay na pangyayari.

Reference;

https://philippinesgraphic.com.ph/2018/06/02/the-timelessness-of-lualhati-bautista/

--

--